Skip to Content
[Page Content]

Kunwaring Halalan ng County ng L.A.

new ballot marking device


Huwag Kalimutan Ang Petsa

Ika- 28-29 ng Setyembre mula ika-10 ng Umaga hanggang ika-4 ng Hapon

Ang Pagboto sa County ng L.A. ay malapit ng magbago, at gusto namin na malaman mo ang tungkol dito.

Ang aming opisina ay nakikipagtulungan sa 50 mga lokasyon sa kabuuan ng County at nagiimbita sa lahat na maranasan ang bagong sistema ng pagboto, ang Mga Solusyon sa Pagboto Para sa Lahat ng Mga Tao.

Pinapanatili namin itong magaan at masaya, walang tunay na mga labanan mula sa nakaraan at darating na mga halalan. Pero kayo ay buboto sa mga bagay gaya ng inyong paboritong koponan ng pampalakasan, parke o lugar ng musika!

Mga Tanyag na Tao, Mga Ibibigay na Premyo at Marami Pang Iba

Mayroong mga piniling lokasyon na magkakaroon ng aktuwal na mga DJs, mga sorpresang tanyag na tao, mga trak ng pagkain at mga pagkakataong manalo ng mga karanasan sa L.A. gaya ng: mga tiket sa mga propesyonal na larong pampalakasan, mga lugar ng paglilibang, pakikipagkita at pagbati sa mga tanyag na tao at marami pang iba!



mock vote center locator


Subukan ang bagong Interaktibong Halimbawang Balota

Gawin ang iyong mga pagpili bago magpunta sa kunwaring sentro ng pagboto

Interactive Sample Ballot

Kung ikaw ay 10 taong gulang o 110 taong gulang, sinuman ay maaring bumoto sa Kunwaring Halalan.



Ito ang Pagboto sa 2020



1,000 mga sentro ng pagboto. 11 araw. Bumoto kahit saan.



Ano ang Nagbago

Sa taong 2020, ang County ay maghaharap ng isang bagong sistema ng pagboto, ang Mga Solusyon sa Pagboto Para sa Lahat ng Mga Tao. Ang sistemang ito ay pasadyang dinisenyo para lamang sa mga botante ng County ng L.A. - tingnan natin:

Vote Center BMD

Ang Kagamitang Pangmarka ng Balota

Ang mga benepisyo ng teknolohiya para sa isang madali at napupuntahang karanasan sa pagboto - sa isang papel na balota.

Matuto ng higit pa

Vote Center ISB

Ang Interaktibong Halimbawang Balota

Isang maginhawang paraan para pabilisin ang proseso ng pagboto na magbibigay sa mga botante na gumawa ng kanilang mga pagpili bago pumunta sa isang sentro ng pagboto.
Matuto ng higit pa

Vote Center ePollbook

Ang Elektronikong Aklat ng Botohan

Isang modernong paraan para mag check-in at isapanahon ang iyong rehistrasyon sa alinmang sentro ng pagboto sa County.
Matuto ng higit pa



Sabihin sa Iyong Komunidad

I-download at ipamahagi ang mga materyales sa ibaba sa iyong komunidad!

[Original Content]